Rate
0 votes
Overview
OFW Life, Experience and Thoughts!!!
Categories
Featured Posts
Sa paskong darating, hanap ko'y ikaw pa rin...
Sa paskong darating, hanap ko'y ikaw pa rin...
150 days ago
0 comments
Categories:
Holidays
Tags:
pasko, tula, poems, http://ofwmaydenisrael.blogspot.com/
Himig pasko na aking kinakanta
na sa tabi ko'y wala ka.
Nag-iisip, nangangalumbaba
sa araw araw ay ginagawa
Paano ba, paano ba?
Malilimutan pa ba kita?
Sino ba ang me sala?
Ako, ikaw, o me iba pa?
na nakapagitna sa ating dalawa..
Araw, buwan, taon...
lumipas ang panahon
ngunit para pa ring kahapon
Parol na kumukutikutitap
Regalo mong kaysarap na tinatangap
Mga simbolo ng sayang hinahanap
Ngayon ay pinapangarap
na muling matangap..
Isang salita na ayaw mong bigkasin
lunas sa asin sa damdamin ko'y iyong itinanim
sa puso kong may lamat,
ay siya lamang aking hinahanap.
Mahal kita, mahal mo 'ko sabi mo
Pagkakataon na natin ito
Ituwid ang daang lumiko
sa landas nating binuo.
Para tayong tanga..
O sadyang tanga tayong dalawa?
Ugali nating dalawa d daw pwede magsama
Sang ayon ka ba? Tama ba sila?
Huling pagkakataon wag natin sayangin
Pasko nati'y ating pasayahin
Isang salita lamang iyong sasambitin
buong puso aking tatangapin..
Ngayong pasko kasiyahan ko ay hawak mo
Aking manigong bagong taon pagbigyan mo
Ako't ikaw, sasaya tayo, makikita mo
mahal ko sa darating na pasko..
Mahal, salubungin mo naman ako Lunukin mo na pride mo
Kung 'di mo kaya manigas ka!
Magpasko kang mag-isa!
Maghahanap ako ng iba!
Toinkkkkssss!!!
"Masayang pasko po sa lahat at manigong bagong taon sa lahat!
Nawa'y mga biyaya at kasiyahan ang ating makakamtan mula sa ating Panginoon!!!
Comments
Order by:
Per page:
- There are no comments yet








